^

Metro

Dinukot na Taiwanese nasagip: 2 suspect na banyaga arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailigtas ang isang 30-anyos na Taiwanese national mula sa pagdukot ng dalawa pang kapwa dayuhan sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nadakip na suspek na sina Chan Kea Seng,  36, Malaysian national, translator at Yuqi Yu, (babae), 20, Chinese national, Human Resource Officer.

Nabatid sa ulat ng Makati City Police Station, ang biktimang Taiwanase na si Sung Chuan-Chin, 30, ay dinukot dakong alas-9:40 ng gabi kamakalawa sa Escuela St., Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Nabatid na nagpapatrulya ang pulisya nang may magsumbong na concerned citizen hinggil sa isang dayuhan na pwersahang isinakay sa isang van.

Dahil sa mala-pelikulang eksena ay nasaksihan ng mga bystanders ang pagpalag ng biktima na nagawa pang makatakas subalit mabilis siyang nadamba ng mga suspek at muling ibinalik sa van.

Nang mamataan ng mga suspek ang palapit na mobile car ay nagsitakbuhan ang mga ito subalit mabilis namang nakorner at naaresto.

Hindi pa naidedetalye kung ano ang motibo sa pagdukot sa biktima ng mga suspek dahil sa hirap sa lengguwahe.

DAYUHAN

DINUKOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with