Command post para sa disaster at relief operations, itatayo ng EPD
MANILA, Philippines — Nakatakdang magtatag ang Eastern Police District (EPD) ng isang command post sa mga lungsod na kanilang nasasakupan, na siyang tututok sa kanilang mga disaster at relief operations sa panahon ng mga kalamidad.
Ayon kay EPD Director PBGen. Matthew Baccay, bahagi ito ng kanilang Disaster Response mission lalo pa’t bantad sa pagbaha ang kanilang nasasakupan o area of responsibility.
Ipinaliwanag ni Baccay na magsisilbing tagatanggap ng lahat ng ulat ang command post at siyang makiki-pag-ugnayan sa concerned agencies para sa naaangkop na aksyon dito.
Ito rin aniya ang manga-ngasiwa sa mga relief operation partikular sa mga lugar na higit na nangangailangan ng tulong mula sa mga lokal na pamahalaan.
Kabilang ang mga lungsod ng Marikina at Pasig, sa mga nakaranas ng pinakamatinding hagupit ng mga nagdaang Pepito, Quinta, Tonyo at Ulysses, habang apektado rin naman ang mga lungsod ng Mandaluyong at San Juan.
- Latest