^

Metro

Ondoy mas maraming ulan kaysa kay Ulysses - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas marami ang ulan na dala ng bagyong Ondoy noong 2009 kaysa sa ulan na dala ng bagyong Ulysses pero nagdulot pa rin ng pagbaha sa Metro Manila at Luzon.

Sa data ng PagAsa, ang ulan ni Ulysses ay may  3/4 ng kabuuang pag-ulan na dala ni Ondoy na sumalanta sa NCR at iba pang lugar kung saan nasa 400 ang nasawi.

Ang pinakamaraming ulan ni Ulysses ay naitala ng PagAsa sa rainfall gauging station sa Tanay Rizal na may 356.2 millimeters noong Miyerkules, ang araw na naiulat ng unang pagbagsak sa lupa ni Ulysses sa lalawigan ng  Quezon.

Ayon sa PagAsa, si Ondoy ay nagtala ng 455 millimeters ng ulan sa loob ng 24 oras.

Ang ikalawang pinakamaraming ulan ni  Ulysses ay naitala sa QC station na may 153 mm, sinundan ng 137.5 mm na naitala sa  NAIA station ng PagAsa habang  102 mm ang naitala sa Port Area station.

Ayon kay Dr. Esperanza Cayanan, deputy admi­nistrator ng research and development division ng PagAsa, ang naranasang ulan na dala ni Ulysses sa may bulubunduking lugar ay tumapon sa mga ilog  at creek sa Metro Manila.

Si Ulysses na pang 21 bagyo na pumasok sa bansa na kumain ng 14 na buhay at puminsala sa P4.2 bilyong halaga ng imprastraktura ang matinding nagpabaha sa Luzon lalo na sa  Metro Manila na nagdulot ng paglilikas sa maraming mamamayan.

vuukle comment

ONDOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with