^

Metro

Taguig police, pinuri sa pagkasabat sa P20 milyong shabu sa ‘Tinga Drug Syndicate’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Unti-unti nang nalalansag ang tinaguriang ‘Tinga Drug Syndicate’ sa pagkaaresto sa isa na naman nilang miyembro at siyam na galamay nito na nasamsaman ng mahigit sa P20 milyon halaga ng shabu, sa isang ope­rasyon sa Taguig.

Kaugnay nito, pina-purihan ng Taguig City government ang Taguig Police sa matagumpay na ope­rasyon.

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, ang pag-aresto at pag-kumpiska sa iligal na droga ay pruweba na ang lung­sod ng Taguig ay seryoso sa kampanya ng pamahalaan kontra droga at hindi hadlang ang pandemya sa COVID-19 sa labang ito.

“Nais namin na ang bawat Taguigeño ay ligtas. Ibig sabihin nito ay gagawin namin ang kinakailangan, na saklaw ng batas, upang pro­tektahan ang samba­yanan hindi lamang sa COVID-19 kundi pati na rin sa iligal na droga at sa sindikato sa likod ng pagkalat nito,” wika ni Mayor Lino.

Saad pa ng alkalde na ang lokal na pamahalaan ng Taguig ay patuloy na sumusuporta sa puwersa ng pulisya sa kanilang mandato na ipatupad ang batas at arestuhin ang mga lumalabag at yumuyurak dito.

Agresibo at epektibo anya ang mga kampanya ng Taguig kontra iligal na droga kaya walang sinisino basta positibo sa ganitong sindikato ay dapat na masawata.

Naganap ang operasyon nitong Miyerkules sa Mariano St., Barangay Ususan bandang alas-5:30 ng hapon.

Nakilala ang mga nadakip na sina Patrick Ace Tinga, 24; at gala­may na  sina Jovy Cruz, 30; Elmer Bautista, 34; Wenston Ray Lopez, 20; Jessie Aviles, 24; Jomari Lopez, 19; Chris Klein Lopena, 19; Adrian dela Cruz, 22; John Paul Esteban, 26; at John Christian Roxas, 34. Dalawang menor de edad naman ang nasagip na ginagawang courier ng grupo.

Nasabat naman ang mahigit tatlong kilo ng shabu na nagkakahala-ga ng P20,400,000 at aabot sa 41.7 gramo ng marijuana na may hala-gang P50,040.

Nasabat din ng pulis­ya ang isang blue book ng kanilang mga kliyente sa bentahan ng droga.

vuukle comment

DRUG SYNDICATE

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with