119 tarantulang ipinuslit sa sapatos, di lusot sa sapot ng Customs
MANILA, Philippines — Muling napigilan ng Bureau of Customs (BOC) ang iligal na kalakalan ng wildlife, matapos ang isinagawang operasyon na iniulat ng ahensya ngayong Biyernes.
Ayon sa gobyerno, umabot sa 199 tarantula — isang uri gagambang "endangered species" — ang napag-alamang itinago sa loob ng rubber shoes sa isang DHL warehouse nitong ika-28 ng Oktubre, 2020.
"Ang parcel, na idineklarang 'buty' o sapatos sa salitang Polish, ay ipina-ship ng isang 'Michal Krolicki' mula sa Poland sa isang consignee sa General Trias, Cavite," ayon sa BOC sa Inggles.
"Sa pamamagitan ng pagmamatyag ng Customs operatives and examiners, naglabas ang package ng mga kahinahinalang mga larawan at isinailalim sa physical examination."
???????????????????????????? ???????????????? ???????????????????????? ???????????? ???????????????????????????????? ???????????????? ????????????????????????????????????????
— Bureau of Customs PH (@CustomsPH) October 30, 2020
Read more: https://t.co/mw9zV1Stam pic.twitter.com/d56sLRpnYr
Iba't ibang species ng buhay na gagamba ang natuklasan sa mga plastic vials na nasa loob ng sapatos.
Agad namang dinala ang mga nanganganib na hayop sa Department of Environment and Natural Resources - Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR-WTMU), Huwebes, para sa tamang pagdispatsa rito.
Mga puslit na tarantula mula Poland
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasabat ng malakihang kalakalan ng endangered tarantulas ang gobyerno nitong mga nagdaang panahon.
Taong 2019 nang masabat ng Customs NAIA ang nasa 757 buhay na tarantula na itinago naman sa mga kahon ng oatmeal at biskwit, at 97 iba pang gagamba sa loob ng puting plastic canisters — lahat ng ito mula rin sa bansang Poland.
"Itinuturing na endangered wildfire species ang mga tarantula, at pinarurusahan ang illegal wildlife trading ng... hanggang isang taong kulong at... hanggang P200,000 multa," ayon pa sa ahensya.
Alinsunod ang mga naturang parusa sa Republic Act 9147, o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Kamakailan lang nang papuruhan ng U.S. Fish and Wildlife Service ang BOC matapos nitong maharang ang isang "reticulated python," na isa namang uri ng ahas.
"[K]ahit may pandemya, ipagpapatuloy ng BOC-NAIA ang kolektibong pagsusumikap nito na protektahan ang primyadong paliparan nito sa lahat ng mga maanomalyang pagtatangka na magpasok at/o maglabas ng mga nanganganib na uri ng hayop, maliban pa sa iligal na droga at high risk dangerous contrabands na banta sa seguridad ng bansa at kalusugang publiko," pagtatapos ng ahensya. — James Relativo
- Latest