^

Metro

Cardinal Santos Medical Center inako ang kumalat na ‘waste materials’ sa EDSA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inako ng Cardinal Santos Medical Center sa Quezon City na sa kanila nagmula ang kumalat na mga ‘waste materials’ kabilang ang mga gamit na ‘personal protective equipments (PPEs)’ sa EDSA nitong nakaraang Lunes.

Kasabay nito ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng pagamutan ukol sa insidente habang nagsasagawa na rin umano sila ng sariling imbestigasyon sa pangyayari.

“We regret the inconvenience this unfortunate incident has caused the public. Please be assured of our commitment to address the issues in coordination with the authorities and other concerned parties…,” pahayag ng CSMC.

Nais umano nilang tukuyin kung ano ang nangyari at kung nagkaroon ba ng kapabayaan sa kanilang third-party provider na kinontrata para sa koleksyon at pagtatapon ng kanilang mga waste material.

Nitong Lunes, sinabi rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa nakitang limang bag ng ‘waste materials’ na tumapon sa EDSA malapit sa White Plains sa ­Quezon City.

PPES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with