Negosyo sa lungsod tangkilikin-Yorme
MANILA, Philippines — Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa mga residente na tangkilikin at suportahan ang mga negosyong nakabase sa lungsod para makabangon
Sa live broadcast ng alkalde, inendorso niya ang binuong programa ni Bureau of Permits and License Office (BPLO) chief Levi Facundo, na tinawag na, “Buy Eat Drink Shop Support Local#BagongMaynila.”
Hinimok ni Moreno na ang mga residente na kumain, uminom at mag-shopping ng kanilang mga pangangailangan sa mga tindahan sa loob ng lungsod, bilang pagsuporta na rin kapwa Manilenyo.
Iginiit niya na ‘ charity should begin at home’ kaya kung tatangkilikin ang sariling atin, mas malaki ang makokolektang buwis at iba pang financial obligations sa mga establisyemento.
Nabatid kay Facundo, na nasa 50,000 registered business establishments ang nag-oopereyt sa lungsod.
Sa pagbubukas ng mga negosyo, malaki ang maitutulong nito sa Manila government dahil malaking bahagi na ng badyet ang nagastos laban sa problemang dulot ng pandemya.
- Latest