3-day total lockdown
Sa Mauway, Mandaluyong
MANILA, Philippines — Aarangkada na simula ngayong Mayo 11, Lunes, ang tatlong araw na total lockdown sa Barangay Mauway sa Mandaluyong City bunsod na rin ng patuloy na pagdami ng naitatalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections doon.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, alinsunod sa Executive Order No. 16, ang total lockdown ay magsisimula ng alas-12:00 ng madaling araw ngayong Lunes at magtatapos ng alas-11:59 ng gabi ng Miyerkules, Mayo 13.
Sa ilalim ng total lockdown, mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng mga residente maliban na lang kung may emergency. Hindi rin papayagan ang paglabas at pagpasok ng mga hindi awtorisadong mga sasakyan. Sarado rin dapat ang lahat ng mga establisimyento sa barangay kabilang ang mga talipapa at mga tindahan.
Batay sa datos ng lungsod, hanggang 4pm ng Sabado ay nakapagtala na ang Mandaluyong City ng kabuuang 466 confirmed COVID-19 cases, kabilang ang 37 namatay at 129 na pasyenteng nakarekober sa sakit. Sa naturang kabuuang bilang, ang Barangay Mauway ang pinakamaraming naitalang kaso ng sakit na nasa 71.
- Latest