Detenidong may mataas na lagnat tumakas sa ospital
MANILA, Philippines — Sinusuyod ng mga awtoridad ang mga lugar na posibleng pagtaguan ng isang 45-anyos na person under police custody (PUPC) na tumakas sa ospital sa Taguig City noong Biyernes ng umaga.
Sa ulat kahapon ng Taguig City Police, ang PUPC na si Christopher Tyrone Ramirez ay nakatakas sa Taguig-Pateros District Hospital sa East Service Road, Western Bicutan, Taguig City ward, dakong alas-9:00 ng umaga noong Abril 17, 2020.
Noong Marso 27, 2020 nadakip si Ramirez dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakulong sa Taguig Police Custodial Facility.
Na-admit si Ramirez sa nasabing pagamutan noong Abril 2, 2020 nang siya ay isugod doon ng mga pulis matapos dumaing na masasakit ang mga hita at mataas na lagnat na posibleng dahil sa mga pigsa hanggang nitong Abril 17, nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa hospital personnel na nawawala ito sa ward.
- Latest