^

Metro

80 residente na nagpa-boksing at nagpa-bingo, inaresto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Isinailalim sa ‘Swab testing’

MANILA, Philippines — Dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang nasa 80 residente ng Brgy. 20 na itinuturong mga lumabag sa ‘quarantine protocols’ nang magpa-boksing at magpa-bingo saka isinailalim sa COVID-19 swab testing.

Alas-8 ng Martes ng gabi at alas-5 kahapon ng mada­ling araw nang imbitahan ang 80 residente ng Brgy. 20 sa Port Area, Manila ng mga tauhan ng MPD-Station 2 sa pangunguna ni P/Supt Magno Gallora Jr.

Dinala sa Delpan Qua­rantine Facility ang mga ito kung saan dito sila isinailalim sa swab tests ng mga tauhan ng Manila Health Department. 

Dito natukoy ang walo na posibleng carrier ng virus, lima ang agad na inilipat sa Delpan Quarantine Facility at dalawa ang inilagay sa ‘self-isolation’.

Matatandaan na inilagay sa ‘shutdown’ ang buong Barangay 20 mula alas-8 ng gabi ng Abril 14 hanggang alas-8 ng gabi ng Abril 15 makaraang mag-viral ang video ng paboksing habang nakunan din ng litrato ang ilan na nagpapa-bingo na malinaw na paglabag sa panuntunan sa ECQ.

BINGO

BOKSING

BRGY. 20

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with