Port of Manila nakaambang isara dahil sa congestion
MANILA, Philippines-- Nakaambang maipa-sara ang Port of Manila dahil sa patuloy na pagkakatambak ng mga kargamento kung hindi agad maaaksyunan ng mga opisyal ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Customs (BOC) ang panukala sa pagpapabilis sa kanilang proseso.
Sinabi ni Philippine Port Authority General Manager Jay Daniel Santiago na isang memorandum na pabibilisin ang proseso ng mga kargamento sa pitong araw sa halip na 53-araw ay naisumite na at kasalukuyang sinusuri na ng mga opisyal ng DOF at Bureau of Customs.
Kailangang madaliin na umano ang desisyon ukol dito dahil sa labis na ang pagkakatambak ng mga hindi naire-release na mga kargamento sa Port of Manila. Sinabi niya na maaa-ring magsara ang pantalan sa loob ng anim hanggang walong araw kung hindi masosolusyunan ang mga problema.
Kabilang sa mga problema na kinakaharap nga-yon ay ang ‘skeletal staffing’ ng Manila International Container Terminal (MICT) at ang mga ‘lockdown’ sa iba’t ibang lugar kaya bumabagal ang delivery ng mga kargamento sa destinasyon ng mga ito.
Nabatid kay Santiago na tinatayang 4,000 containers ang dumarating sa pantalan kada-araw na dapat ay kahalintulad na bilang rin ang naipalalabas. Ngunit dahil sa kakapusan ng tauhan, nasa 40% lamang ng 4,000 containers ang nakalalabas kada-araw.
Nanawagan rin si Santiago sa mga negosyante na maging responsable nga-yong panahon ng krisis at kunin na agad ang kanilang mga shipment para hindi na makadagdag sa mga naka-tambak sa pantalan.
- Latest