^

Metro

Parak na namalo sa lumabag sa quarantine , iimbestigahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Parak na namalo sa lumabag sa quarantine , iimbestigahan
Sinabi ni MPD Director PBGen Rolando Miranda nakarating na sa kaniya ang insidente at kaniyang iniutos na ang imbestigasyon dito.
The STAR/Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Hindi umano kukunsintihin ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang mga tauhan na nakunan ng video na namamalo ng ilang residente sa Quiapo, Maynila.

Sinabi ni MPD Director PBGen Rolando Miranda nakarating na sa kaniya ang insidente at kaniyang iniutos na ang imbestigasyon dito.

“The leadership of Manila Police District will neither tole­rate nor condone any wrongdoing of any of our Policemen while strictly implementing the Enhanced Community Quaran­tine,” ani Miranda.

Sa video na kuha ng isang residenteng tumangging magpapangalan, makikita ang mga pulis ng MPD Station 3 sa Quiapo na pinagagalitan ang mga residente.

Maririnig pa umano ang pulis na nagmumura, nama­malo at sinabing babarilin ang kung sino man ang lalabas sa kalsada. Isang residente na nagpakita ng quarantine pass ang hindi rin pinayagan na lumabas at pinagalitan.

Sa kabila nito, nanawagan si Miranda sa mga Manileño na makiisa sa panawagan na manatili sa loob ng bahay para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease. 

“The leadership of MPD would like also to appeal to each and everyone to fully cooperate, by obeying the rules and to please be part of the solution to the serious problem the country is facing due to the spread of COVID 19,” dagdag ni Miranda.

PARAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with