^

Metro

Police major na nasa narcolist, itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang police major na sinasabing kabilang sa narcolist nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nasa loob ng kanyang sport utility vehicle (SUV) na pansamantalang nakahimpil sa isang auto parts and vulcanizing shop sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Maj. Jeffrey Dalson, 43, residente ng Brgy. East Rembo, Makati City, tubong Baguio City at nakatalaga sa mismong tanggapan ni PNP Chief Ge­neral Archie Gamboa.

Sa ulat ng Makati Police,  dakong alas- 7:05 ng umaga nitong Lunes (Marso 9) nang maganap ang pamamaril sa tapat ng Avash Trading na matatagpuan sa JP Rizal Extension cor 29th ave., Brgy. East Rembo, Makati City. 

Sa kuha ng closed circuit television (CCTV), pumasok sa kanyang Ford Everest ang biktima na nagmula sa nasabing tindahan, at nang may kumausap sa kanyang lalaki habang nakaupo siya sa driver’s seat ay sumulpot na ang isang NMAX motorcycle, bumaba ang backrider at pinuntahan siya at pinagbabaril.

Hindi pa nakuntento at nagtungo pa sa bahagi ng passenger seat, binuksan ang pinto ng SUV at muli pang pinaputukan ng ilang ulit habang nakaabang sa tabi ng gunman ang get-away motorcycle na agad pinasibad ng rider.

Hindi naman mamukhaan ang dalawang suspek dahil sa  suot na full-face helmet na suot ng mga ito at itim na long-sleeve jackets.

Sa impormasyon, nabatid na kabilang ang biktima sa mahigit 300 PNP personnel na ipinatawag ni Gamboa  noong nakalipas na Enero at itinalaga sa PNP Camp Crame para magpaliwanag kung bakit sila nakabilang sa talaan ng high value target (HVT).

TANDEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with