Grab driver sugatan sa saksak ng Angkas rider
MANILA, Philippines — Target ngayon ng manhunt operations ng Mandaluyong City Police ang isang Angkas rider matapos itong masangkot sa pananaksak sa isang Grab driver sa lungsod kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Mandaluyong City Police chief Colonel Remegio Sedanto ang biktma na si Rommel Cervantes, 43, isang Grab driver na ginagamot na sa Victor R. Potenciano Medical Center (VPMC) matapos na saksakin sa mukha at kaliwang braso ng Angkas rider.
Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa pangasiwaan ng Angkas para matukoy ang nasabing driver.
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-12:15 ng gabi sa kahabaan ng Boni Avene Cor. Arayat , Brgy. Malamig, Mandaluyong City habang minamaneho ni Cervantes ang kanyang Toyota Innova.
Ang dalawang driver ay magkasunod na bumagtas sa Boni Tunnel ng banggain ng suspect ang hulihang bahagi ng sasakyan ng biktima.
Bumaba ang driver ng Grab upang alamin ang pinsalang tinamo ng kanyang sasakyan pero paglapit nito ay inundayan na siya ng saksak ng Angkas driver saka mabilis na tumakas sa lugar.
- Latest