12 toneladang basura nahakot sa Luneta
MANILA, Philippines — Umaabot sa 12 toneladang basura ang nahakot ng mga tauhan ng Department of Public Services kahapon sa Luneta.
Halos walang tigil ang sunud-sunod na takbo ng mga dump truck upang hakutin ang mga basura na iniwan ng mga nagdiwang ng kapas-kuhan sa Luneta.
Plastic, styropor at bote ng mineral water ang karamihan na iniwan ng mga nag- Pasko kasama ang kanilang mga pamilya.
Tiniyak naman ni Kenneth Amurao, hepe ng DPS na hahakutin nila ang lahat ng basura araw-araw upang mas maging maayos ang pamamasyal ng publiko.
Bagama’t patuloy ang dagsa ng tao, sinabi ni Amurao na aagarin naman ang paghakot ng basura.
Katuwang sila aniya ng National Parks Development Committee sa pananatili at kaayusan ng pambansang pasyalan, ang Luneta.
- Latest