P28 milyon laan ng Quezon City government sa Bantay Bata 163
MANILA, Philippines — Naglaan ang pamahalaang lunsod ng Quezon City ng may P28 milyong financial assistance para sa Bantay Bata 163 Children’s Village para masustinihan ang pabahay at kalinga sa mga kabataan na nangangailangan ng medium hangang long-term rehabilitation sa pamamagitan ng Social Service Development Department (SSDD).
Ayon kay Quezon City Mayor , muling nilagdaan ng pamahalaang lokal ang kanyang partnership sa Bantay Bata 163 Children’s Village ng ABS-CBN Foundation para sa pangangalaga at proteksyon ng mga kabataan lalu na ng mga kabataang mula sa lunsod.
Ang hakbang ay bahagi ng pagdiriwang sa Children’s month.
“Malapit talaga sa puso ko ang mga kabataan dahil tingin ko, sila talaga ang kinabukasan ng ating bayan,” ayon kay Belmonte.
Ang Children’s Village sa Norzagaray Bulacan ang tinutuluyan ng mga abandoned, abused, at exploited na mga kabataan. Ang village ay nagkakaloob din ng therapy at iba pang programa sa tulong ng mga eksperto at mga bihasang social workers na siyang nangangalaga sa mga kabataan.
Ang mga natutulungan ng Bantay Bata 163 ay napapagkalooban din ng Bantay Edukasyon scholarship assistance.
- Latest