^

Metro

300 kilong ‘botcha’ nasabat sa Pasay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Aabot  sa 300 kilong ‘double-dead’ na karne o ‘botcha’ ang nasabat ng Pasay City Veterinary Office habang nakalatag ito sa isang  bangketa malapit sa isang pamilihan sa lungsod kahapon ng umaga.

Dakong alas- 10:00 ng umaga nang masabat ang mga naturang karne na nasita sa may  Advincula St. at FB Harrison nang nasabing lungsod.

Ito’y matapos na makitang nakalatag sa bangketa na umano’y nangangamoy na ang mga karne ng baboy sa nasabing lugar at nakatakdang i-deliver sa kanilang mga kostumer.

Ayon kay Dr. Rolando Buenasor, City Veterinary Chief, aksidente lamang na natiyempuhan nila ang mga nabanggit na karne habang tinatadtad gamit ang maruming sangkalan at sa tabi lamang ng kalye ito ginagawa.

Sa kabila ng masangsang na amoy, nagtataka naman ang Veterinary Office dahil sa may kaukulang permit ang naturang mga karne para ibenta.

Ngunit dahil sa maling pamamaraan ng “handling”, kinumpis­ka ng lokal na pamahalaan ang mga naturang karne na pinaniniwalaang mga botcha.

Pinagsabihan din ng Veterinay Office ang mga opisyal ng barangay na huwag hayaan ang mga meat vendors na basta na lamang isinasalya sa bangketa ang mga karne at huwag dito pira-pirasuhin.

vuukle comment

BOTCHA

DOUBLE-DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with