Publiko pinaalalahanan vs botcha ngayong ‘ber’ months
MANILA, Philippines — Pinapaalalahanan ng Manila City government ang bawat konsyumer na maging mapanuri sa kanilang binibiling karne ngayong nagsimula na ang ‘ber’ months.
Ayon kay Manila PIO chief Julius Leonen, dadagsa na ang bentahan ng mga baboy kaya dapat ay sariwa ang mga karneng baboy at baka na ligtas ikonsumo.
Paliwanag ni Leonen, tungkulin ng mga consumer na suriin ang kanilang mga binibiling karne at baboy.
Inaasahan ang mataas na bentahan ng mga baboy at karne para sa mga handaan at Noche Buena at Media Noche sa panahon ng Kapaskuhan.
Ang mga karneng ibebenta ay dapat dumaan sa accredited meat establishments.
Gayundin, binalaan nito ang mga nagtitinda na huwag lokohin ang mga mamimili.
Tuluy-tuloy naman ang routine inspections ng Manila Veterinary Inspection Board sa lahat ng pamilihan sa lungsod.
Matatandaan na daan-daang kilo na ng hot meat at botcha ang nakumpiska ng VIB inspectors nitong mga nagdaang araw.
- Latest





















