Yasay nagpiyansa
MANILA, Philippines — Humarap mismo sa korte si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay at naglagak ng P240,000 piyansa para sa mga kasong paglabag sa General Banking Law at New Central Bank Law.
Isinangkot si Yasay sa di umano’y sabwatan ng ilang opisyal ng Banco Filipino na nangyari noong 2003 hanggang 2006.
Giit naman ni Yasay, naging opisyal siya ng naturang bangko taong 2009.
Inaresto noong Huwebes ng hapon (August 22), si Yasay sa bahay nito sa Makati City at dinala sa Manila Police District (MPD) Heaquarters.
Ngunit, Huwebes ng gabi, dinala ito sa Manila Doctors Hospital dahil sa paninikip ng dibdib at mataas na blood pressure.
Pinayagan naman ito ng doktor na humarap sa korte ngunit kinailangan na bumalik sa ospital.
Samantala, tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Bangko Sentral hinggil sa kaso ni Yasay sa katuwiran na masampahan sila ng kaso dahil sa paglabag sa subjudice rule.
- Latest