ARTA pinuri ang Parañaque sa anti-red tape program
MANILA, Philippines — Pinuri kahapon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang lokal na pamahalaan ng Parañaque dahil sa pagtalima nito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para mabawasan ang red tape at mapabilis ang business transaksyon sa city hall. Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, ang lungsod sa pamumuno ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kaugnay sa ginawa nilang innovative IT solutions para magkaroon ng maayos na pagpapatupad ng Ease of Doing Business Law. Una nang inilunsad ng lungsod ang Project: Express Lane Operation (ELO 2.0) at pumasok sa kasunduan sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa mas mabilis at efficient na government transactions sa lungsod. Kinilala rin ng ARTA ang Zero Contact Policy ng Parañaque kung saan ang application, payment at pagpapalabas ng permits ay maisasagawa sa Project ELO Concierge gamit ang Smart Kiosks na matatagpuan sa Taxpayers Lounge ng Parañaque City Hall. Nauna rito, pinuri din ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang lungsod partikular si Atty. Melanie Malaya, hepe ng business permit and license office, sa pagpakilala ng ELO 2.0 para ipagsama-sama ang workers’ permit, sanitary or health permit, and police clearance sa isang transaksyon.
- Latest