^

Metro

QCPD, ‘all set’ na para sa SONA 2019

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) na handang-handa na sila sa pagbibigay ng seguridad para sa pagdaraos ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa Hulyo 22, 2019.

 Ayon kay QCPD Director P/BGen Joselito Esquivel Jr., aabot sa 9,162 personnel ang nakatakdang i-deploy ng Philippine National Police (PNP) sa aktibidad upang magbigay ng seguridad at tiyaking ligtas ang lahat ng taong makikiisa dito.

Kabilang aniya dito ang 3,333 na QCPD personnel, gayundin ang 5,115 na augmentations mula sa iba pang police units, Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) ng Armed Forces of the Philippines, Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA), Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City Local Government Unit, Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 Handa na rin aniya para sa instalasyon at utilisasyon ang mga logistical requirements para sa SONA.

Ayon kay Esquivel, nagsagawa na rin sila ng serye ng coordinating conferences sa kanilang counterparts at iba pang concerned agencies noon pang unang bahagi ng Hunyo at tinalakay ang mga security preparation para sa SONA.

Nagdaos pa sila ng Simulation Exercise (SIMEX) para sa hostage taking at bomb explosion noong Hul­yo 15, 2019 sa IBP Road, Brgy. Batasan. Bilang bahagi pa ng security preparation, nabatid na kahapon ay nakipag-dayalogo na rin sila sa mga lider ng mga cause-oriented groups at iba pang stakeholders sa Quezon City Sports Club sa E. Rodriguez Sr. Boulevard upang maplantsa ang ilang ispesipikong concerns kabilang ang traffic rerouting schemes para sa mapayapa at maayos na SONA.

 Inabisuhan din naman ni Esquivel ang publiko at mga motorista na asahan na nilang magiging masikip ang daloy ng trapiko sa lugar, kaya’t pinayuhan ang mga ito na kung maaari ay manatili na lamang sa kanilang tahanan, huwag na munang magtungo sa naturang lugar, o di kaya’y humanap na lamang ng alternatibong ruta upang hindi maipit sa traffic.

 

SONA2019ARTICLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with