^

Metro

Grupo ng babaeng holdaper, umaatake

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isa sa apat na babae na nangholdap sa dalawang pasahero ng isang jeep sa ikinasang operasyon ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Faye Delos Santos, 24, dalaga, ng San Diego Street, Brgy. 542 Sampaloc, Maynila. 

 Positibo siyang kinilala ng mga biktima na sina Jefferson Perez, 31 at si Julie Ann Garcia, 31, kapwa ng  Brgy. San Agustin, Malabon City.

Sa ulat ng Caloocan City Police, sakay ang dalawang biktima ng isang pampasaherong jeep dakong alas-9:30 ng gabi patungo ng Malabon City nang sumakay ang apat na babae sa tapat ng isang supermarket sa may Samson Road, Monumento. Naglabas umano ng patalim ang ilan sa mga babae at nagdeklara ng holdap. 

Puwersahang tinangay ng mga salarin ang cellphone na may halagang P7,000 at wallet na may lamang P15,000 ni Perez at isang cellphone na may halagang P18,000 ni Garcia saka nagsibaba ng jeep.

Agad na humingi ng tulong sa Police Community Precinct 3 ng Caloocan City Police at mga tauhan ng Deparmtent of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) ang mga biktima. 

Nang suyurin ang lugar ng insidente, dito naispatan ng mga biktima si Delos Santos na pagala-gala na nagresulta sa kanyang pagkaka-aresto.

Narekober kay Delos Santos ang dalawang cellphone ng mga biktima ngunit hindi na narekober ang pera habang hindi na rin mahanap ang tatlo niyang kasabwat na nakatunog sa presensya ng mga pulis.
 

 

UMAATAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with