^

Metro

Impostor na opisyal ng DILG, tinukoy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang publiko, gayundin ang mga lider ng mga lokal na pamahalaan laban sa isang lalaking nagpapakilalang opisyal ng DILG at Malacañang, upang makakuha ng pabor at kumita ng salapi.

Ito’y matapos na makatanggap ng report ang kalihim na isang Salvador Hussey Escarian II ang nagpapakilala bilang Assistant Secretary ng DILG at Malacañang.

Batay sa natanggap na ulat ni Año, nakapagsagawa pa ng kumperensiya si Escarian sa Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Norte kung saan matagumpay na natipon ang mga opisyal ng DILG sa rehiyon.

Dumalo pa umano si Escarian sa paglulunsad ng Mamamayan Ayaw sa Anomalya, Mamamayan Ayaw sa Iligal na Droga (MASA MASID) sa Payao, Zam­boanga Sibugay, at sa pagpupulong kasama si Zamboanga Sibugay Gover­nor Wilter Palma kung saan siya ay ipinakilala bilang Assistant Secretary mula sa tanggapan ng Pangulo.

Gumagamit pa umano ang impostor ng mga pe­keng dokumento upang makuha ang tiwala at suporta ng mga pinuno ng pamahalaang lokal at national government agencies.

Nagawa rin umano ni Escarian na makapag-soli-cit ng tinatayang P200,000 mula sa pamahalaang lokal ng Payao para sa kanyang panggastos.

Pinaalalahanan naman ng Kalihim ang mga local officials na huwag magpalinlang sa impostor.

“Huwag kayong palilinlang, itong si Escarian ay walang kaugnayan sa DILG o sa alinmang attached agency ng Kagawaran. Hu­wag kayong magpapabiktima sa kanyang pagpapanggap,” anang kalihim.

Hinikayat din ni Año ang mga pamahalaang lokal na kaagad na isumbong sa Phi-lippine National Police (PNP) ang anumang pagtatang-    ka ni Escarian na makipag-ugnayan sa kanilang mga tanggapan.

EDUARDO AñO

IMPOSTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with