10 illegal recruiter, timbog sa entrapment
MANILA, Philippines — Sampung hinihinalang illegal recruiter ang natimbog ng pulisya sa isang entrapment operation kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Kinilala ng Parañaque City Police ang panguna-hing suspect na si Leany Melanio, may-ari ng LJJK Manpowers Services na nasa Redemptorist Road, Brgy. Baclaran.
Bukod kay Melanio, inaresto rin ng mga pulis ang kanyang siyam na empleyado na sina Jayvee Nobleza Viron; Joan Marie Dagais Domagtoy; Jonalyn Maniaul Mariano; Janela Ebrahim Buison; Edward Villanos Cashman; Marites Ebanada Anacaya; Edgardo Sangalang Marcelo; Rossannah Brugada de Mesa at Loube Joevic Rivera Laderas.
Alas-6:00 kamakalawa ng gabi nang ikasa nila ang entrapment operation laban sa mga suspect sa pangu-nguna ni Melanio.
Ang pagkakadakip sa mga suspect ay bunsod ng reklamo ng isa sa 18 kanilang mga naging biktima na si Geraldine Bernardo, nasa hustong gulang kung saan hinuhuthutan umano siya ng pera kapalit ng pangakong trabaho.
Ngunit, nagduda si Bernardo na ilang beses siyang hinihingian ng pera ni Melanio, dahilan upang berepikahin nito sa Department of Labor and Employment ang naturang agency kung saan lumitaw na hindi awtorisado ang naturang agency na mag-hire ng mga manggagawa.
Ang mga suspect ay mahaharap sa kasong Illegal Recruitment at Estafa.
- Latest