Pinaka-bonggang piyesta sa Kalakhang Maynila
MANILA, Philippines — Magsasanib ng puwersa ang mga lungsod ng Maynila at Pasay upang itanghal ang pinaka-bonggang piyesta sa kapuluan -- ang tinaguriang Aliwan Fiesta -- na gaganapin mula ngayong Abril 25 hanggang 27, sa ilalim ng Manila Broadcasting Company, Star City, at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.
Ang taunang kapistahan ay sisimulan ng Shoppers Bazaar at Pasakalye sa Sotto St., kaharap ng Aliw Theater. Dito magkakaroon ng mini concert ang Ben&Ben, Juan Karlos, This Band, at Extreme Lab.
Sa ika-26 ng Abril naman, maglalaban-laban ang naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang lalawigan para sa korona ng Reyna ng Aliwan, kung saan aawit din sina Christian Bautista at Jason Fernandez.
Ang malaking paradang magtatampok sa iba’t ibang kapistahan mula hilaga hanggang katimugan ng bansa ay gaganapin sa Sabado, ika-27 ng Abril, mula Quirino Grandstand at babaybayin ng Roxas Boulevard patungong Aliw Theater sa CCP Complex kung saan gaganapin ang mismong streetdance at float competition. Isang milyon ang nakalaan sa magwawaging festival streetdancers, at kalahating milyon naman sa float design. Tampok na panauhin ang 6 Cycle Mind at si Vin Abrenica.
- Latest