QCADAAC pinakamahusay na anti-drug abuse council sa bansa-DILG
MANILA, Philippines — Muling kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Quezon City hinggil sa epektibong mga programa na ipinatutupad kontra drug abuse.
Ang QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) na pinamumunuan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ay muling tumanggap ng parangal nang makakuha ng perfect 100 functionality points (ideal/ high functionality), kasama ng 20 iba pang local government units (LGUs) na nagpatupad ng mabisang mga hakbang kontra iligal na droga batay sa isinagawang 2017 National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) performance audit.
Nabuslo rin ng QC ang Best ADAC sa National Capital region.
“I am very proud that we are, once again, recognized as one of the Best ADACs among all LGUs nationwide. It’s because we have the most effective working framework and the political will to implement programs to lessen the city’s drug problem,” ani Belmonte.
Anya, may kabuuang 27,000 drug surrenderees ang QC at noong nagdaang Disyembre ay may kabuuang 560 graduates sa isinagawang community-based drug rehabilitation program
Binati naman ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga pinarangalan at kinilala ang kahalagahan ng kanilang tungkulin para makatulong sa layunin ng administrasyon na masugpo ang iligal na droga.
- Latest