^

Metro

Emergency Room ng ospital, isinara sa pangamba sa meningo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Emergency Room ng ospital,  isinara sa pangamba sa meningo
Ipinakikita ni Dr. Rolan Mendiola ang larawan ng pasyenteng pinaghihinalaang may meningo­coccemia dahilan para pansamantalang isara ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Maynila.
(Kuha ni Er­nie Peñaredondo)

MANILA, Philippines — Pansamantalang isinara ng pamunuan ng Gat An-dres Bonifacio Memorial Medical Center  ang  kanilang  emergency room.

Ito ang kinumpirma ni  Dr. Luisa Aquino, hospital director sa isang text messages.

Ayon kay Aquino, ang pagpapasara ay standard safety procedure and infection control protocol  ng  ospi­tal kung may pasyenteng pinaghihinalaang infected ng meningococcemia.

Paliwanag ni Aquino, bagamat hindi nakakahawa ang  meningo mas mainam na walang nakalalapit dito.

Sa simula ng pagkakasakit, ang taong may sakit na meningococcemia ay maaaring dumanas ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, ubo, sore throat, pananakit ng mga kalamnan, pagiging iritable, pagsusuka, may  rashes na karamihan ay nasa binti.

Aniya, ang lahat ng mga precautionary measures ay ginagawa ng  ospital upang maiwasan ang pagkalat nito.

Gayunman, normal naman ang hospital operational   sa  out-patient department.

Umaasa si Aquino na ngayong araw ay muling bubuksan ang  kanilang  ER.

EMERGENCY ROOM

MENINGOCOCCEMIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with