^

Metro

2 kinidnap na Chinese nasagip

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kapwa sugatan ang dalawang Chinese national nang ma-rescue ang mga ito matapos umanong dukutin ng armadong grupo sa magkahiwalay na insidente sa Las Piñas at Taguig City kamakalawa.

Ayon sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), alas-3:30 ng hapon nang matagpuan at ma-rescue ng isang concerned citizen ang Chinese na nakilalang si Fang Mei Zhu, 50. Nakatali ang mga kamay ng masking tape  at electrical wire, na nakakonekta sa bibig nito, na  tinali rin   habang ang mukha ay tinakpan ng damit nang makita ito ng concerned citizen.

Nakita itong tumatakbo sa panulukan ng Vanda  at Concidium Sts., Santos Village 3, Brgy. Zapote, Las Piñas City at humihingi ng tulong at sinasabing tumatakas sa tatlong armadong kalalakihan na sakay ng isang kulay puting  Toyota Hi Ace van.

Kaagad itong kinalagan at mabilis na dinala sa nabanggit na ospital at ini-report sa himpilan ng Las Piñas City Police ang insidente.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng follow-up ope­ration ang mga kagawad ng Las Piñas City Police hinggil sa insidente.

Samantala, alas-5:28 ng hapon  ay na-rescue rin ng mga pulis na nakatalaga sa Police Community Precint (PCP) 1 at POSO si Guo Faqiang, 46, isa ring  Chinese habang tumatawid  at humihingi ito ng tulong sa kahabaan ng C5 Road, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Kaagad nilang dinala ang sugatang dayuhan sa Taguig-Pateros District Hospital, ngunit inilipat ito sa Saint Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City (BGC). Iniimbestigahan pa kung may koneksyon sa isat-isa ang dalawang insidente.

KINIDNAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with