^

Metro

Trike driver tiklo sa checkpoint

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Trike driver tiklo sa checkpoint
Sabay-sabay na nag­latag ng checkpoint ang MPD alas-12:00 ng mada­ling araw at isang oras pa lang nang parahin ang tricycle ng suspek na mistulang takot na takot kaya hiningian ng lisensiya at sa mismong wallet niya ay nadiskubre ang nakaipit na dalawang sachet ng shabu.

MANILA, Philippines — Sa unang araw ng pag­papatupad ng Comelec Checkpoint kahapon kaug­-nay ng election period, isang tricycle driver ang nasampolan nang arestuhin ng mga otoridad matapos na makumpiskahan ng dalawang maliliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu sa Sta. Ana, Maynila.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Paulino Lim, nasa hustong gulang.

Sa ulat ni Manila Police District-Station 6, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang arestuhin si Lim sa panulukan ng New Panaderos at Lamayan Sts., sa naturang lugar.

Sabay-sabay na nag­latag ng checkpoint ang MPD alas-12:00 ng mada­ling araw at isang oras pa lang nang parahin ang tricycle ng suspek na mistulang takot na takot kaya hiningian ng lisensiya at sa mismong wallet niya ay nadiskubre ang nakaipit na dalawang sachet ng shabu.

Depensa umano ng suspek, may nagbayad sa ka­niyang pasahero at posibleng nasama lang ito sa perang iniabot sa kaniya na hindi napansin dahil agad niyang inilagay sa wallet.

Hindi naman bumenta sa mga pulis ang katwiran ng suspek dahilan upang agad itong na arestuhin.

CHECKPOINT

ELECTION PERIOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with