^

Metro

Bowling gold medalist, pinagbabaril patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bowling gold medalist, pinagbabaril patay
Ang biktima ay kinilalang si Angelo Constantino, gold medal athlete sa World Youth Bowling Championship na ginanap sa bansang Venezuela noong 1992.

MANILA, Philippines — Patay ang isang bow­ling gold medalist matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng bowling center sa Greenhills, San Juan City, kamakalawa ng hapon. 

Ang biktima ay kinilalang si Angelo Constantino, gold medal athlete sa World Youth Bowling Championship na ginanap sa bansang Venezuela noong 1992.

Bukod sa pagiging aktibong miyembro ng bowling RP team si Constantino ay siya ring General Ma­nager ng E-Lanes Bowling Center at nagsisilbi rin siyang bowling coach sa mga kabataang mahilig sa nasabing sports. 

Nabatid mula kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Bernabe Balba, dakong alas-5:00 ng hapon nang pagbabarilin ang biktima sa loob  ng E-Lanes Bowling Center na nasa Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan City.

Ayon sa report, nagkunwaring kostumer sa isang Cafeteria na katabi ng  bow­ling center ang suspek na nakasuot ng blue shirt, denim short pants at face mask at nang makita niya ang biktima ay agad na pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng  katawan.

Noong matiyak ng suspek na patay na ang biktima ay mabilis na umangkas sa isang kulay dilaw na scooter na may nag-aantay na driver at tumakas patungo sa direksiyon ng Aurora Boulevard sa Quezon City.

Isinugod pa sa hospital ang biktima pero agad ding nalagutan ng hininga dahil sa tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. 

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng dragnet ope­ration at masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang mga salarin.

ANGELO CONSTANTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with