^

Metro

Bebot itinumba ng naka-maskara

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 45-anyos na bebot matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin na nakamaskara  habang nagsusugal sa tabi ng kalsada, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, dead on arrival sa Premier Medical Center ang biktimang si Maricel Dela  Cruz, ng  Pitimini St., Wakas Tramo 1, Brgy. San Dionisio ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya sa nasabing pamamaril at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa inisyal na report na natanggap ng hepe ng Parañaque City Police na si Senior  Supt. Jojo Rosales, naganap ang insidente alas-7:40 ng gabi sa kahabaan ng Tulips St., Tramo Uno, Brgy. San Dionisio ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na naglalaro ng ‘fruit game’ ang biktima sa tabi ng kalsada nang lapitan ito ng naka-face mask na suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ng baril ng ilang ulit.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect  na naglalakad lamang habang  ang biktima naman ay mabilis na dinala ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital, ngunit hindi na rin umabot pang buhay.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa insidente habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

 

MASKARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with