‘Women power’ idinaan sa Zumba
MANILA, Philippines — Libong kababaihan ang nagmartsa at nagsayaw ng “Zumba” kahapon sa Arroceros, Ermita, Maynila bilang pagpapakita ng simbolo ng women’s rights na ipinagdiriwang taun-taon.
Inilunsad ang Women Power Manila sa pangunguna ni Congresswoman Sandy Ocampo at 1,000 kababaihang lider na nagmula sa anim na distrito ng lungsod. Layunin ng grupo na wakasan ang ‘violence against women’ o VAW na kampanya sa buong mundo noon pang taong 2002 at nakiisa naman ang gobyerno ng Pilipinas noong taong 2012.
Pagigiit pa nila, dapat ding matigil ang human trafficking na talamak na hindi lang sa ibang bansa kundi pati na rin sa Pilipinas.
Nagsimula ang Zumba alas-4:00 ng hapon na tinawag nilang “Nonstop Zumba Marathon for Women’s Rights”’.
- Latest