^

Metro

Gas leak sa Makati bubusisiin

Robertzon Ramirez, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Gas leak sa Makati bubusisiin
Mahigpit na binantayan ng mga tauhan ng pulisya at Bureau of Fire Protection (BFP) habang makikita ang patuloy na pagbomba ng tubig sa drainage na malapit sa gasolinahan na nagkaroon ng gas leak.
Kuha ni Joven Cagande

Investigating body binuo

MANILA, Philippines — Bumuo na kahapon ng   investigating body ang Makati City government para idetermina kung may papa-nagutan at kung may paglabag ang independent oil company na Phoenix Petroluem kaugnay sa naganap na gas leak kamakalawa.

Sa naturang gas leak, daan-daang residente  ang nagpanik at naalarma dahil sa nalanghap na masangsang na amoy na nagmula sa gasolinahan.

Ayon kay Makati fire marshal Roy Quisto na base sa insiyal na imbestigasyon  na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng naturang gasolinahan na nasa panulukan ng Estrella-Evangelista Sts., Brgy. Poblacion, Makati City.

Gayunman, sinabi pa nito na ito ang idedetermina ng investigating body.

Idinagdag pa ni Quisto na lumabag ang Phoenix sa environmental laws na tututukan naman ng DENR dahil naapektuhan ng gas leak hindi lamang mga residente sa lugar kundi maging ang kapaligiran.

Sa report ng Makati City Police alas-4:00 ng hapon noong Huwebes nang makatanggap sila ng mga reklamo mula sa mga residente.

Agad namang pinunta­han ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP ) ang lugar at dito nila natukoy na positibo ang gas leak.

Sa text message naman kahapon ni Phoenix Petroleum Vice President for External Affairs Raymond Zorilla, sinabi nito na isolated case aniya ang insidente.

“We have voluntari­ly closed the station as the safety of the community is our utmost priority, we will continue to take strides to ensure that the issue gets resolved as soon as possible. We thank profusely the City Government, BFP (Bureau of Fire Protection), and other local officials for their huge action and assistance in addressing these concerns,” ani Zorilla.

Ayon sa report na natanggap ng hepe ng Makati City na si Sr. Supt. Rogelio Simon, nagsagawa nang flushing sa kanal ang mga kagawad ng Makati City Bureau of Fire Protection (BFP) sa nabanggit na ga­soline station.

Ito umano ay para ma- flushed-out ang krudo sa kanal at kinuha ang natira sa tanke at hinigop ang lahat ng produkto na gas at diesel.

Nakatambay pa rin sa lugar ang mga fire truck para magbantay sa posibleng aberya at hinihintay ng mga ito ang order mula sa tangga-  pan ng Makati City Hall at BFP.

Nagsagawa rin ng ins­pection ang Makati City Health Department upang tiyakin na ligtas ang suppy ng tubig sa naturang bara-ngay dulot ng gas leak.

BUREAU OF FIRE PROTECTIO

MAKATI GAS LEAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with