^

Metro

2 employer ‘di nag-remit ng SSS contributions, kulong

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 employer ‘di nag-remit ng SSS contributions, kulong
Sa hatol na ibinaba ng QC RTC Branch 100 sa akusadong si Luz Espiritu ng Espiritu Petron Service Station, sampung taong pagkakulong ang inihatol dito at pinagbabayad din ito ng unremitted contributions mula October 1989 hanggang November 2014 na may halagang P289,372.16 na may dagdag na 3 percent penalty hanggang mabayaran ng buo.
File Photo

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) na makulong ang dalawang employer dahil sa hindi pagre-remit ng SSS contributions ng kanilang mga empleyado.

Sa hatol na ibinaba  ng QC  RTC Branch 100 sa akusadong si Luz Espiritu ng  Espiritu Petron Service Station, sampung taong pagkakulong ang inihatol dito at pinagbabayad din ito ng unremitted contributions mula October 1989  hanggang  November 2014 na may halagang  P289,372.16  na may  dagdag na 3 percent penalty hanggang mabayaran ng buo.

Pitong taong pagkakulong naman ang inihatol ng QC  RTC Branch 96  laban kay  Rosita Agustin ng  Ruther Fish Dealer  at pinagbabayad ng delinquent  contributions mula May 2000 hanggang  August 2011 na may kabuuang halagang  P140,880,000 at multa  na P10,000 na may dagdag na 3 percent na  penalty hanggang sa mabayaran ang kabuuang halaga.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na dahil dito ay makakakolekta ang ahensiya ng mahigit  P1.39 milyong halaga ng  unpaid contributions at penalty.

Kaugnay nito, nagpaalala si Dooc sa  mga employers na agad e -remit sa SSS  ang nakolektang kontribusyon mula sa mga tauhan upang hindi maparusahan ng batas.

Sa kasalukuyan, nagpalabas na ang Quezon City RTC Branch 100 ng Warrant of Arrest laban kay Espiritu,   habang si  Agustin  ay binigyan ng QC RTC branch 96 ng   provisional liberty habang ito ay may pending appeal sa korte.

SSS CONTRIBUTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with