Bagong Brgy. Hall sa Longos, Malabon, bukas na sa publiko
MANILA, Philippines — Binuksan na sa mga residente ng Barangay Longos sa Malabon C?ity ang bago at modernong barangay hall na tinustusan ng P11-milyong pondo upang mas mapataas ang antas ng serbisyo.
Pinangunahan ni Brgy. Longos Chairwoman Angelika Dela Cruz ang pagbubukas ng barangay hall na bukod sa mga opisina ay meron ding pampublikong silid-aklatan para sa mga mag-aaral na nais na magsaliksik sa kanilang pag-aaral.
Dito, makaraan ang renobasyon sa 2000 sq.meters na lupain na donasyon ng National Housing Authority (NHA) sa Brgy. Longos, ay mas pinaganda ang maliit na plaza, covered basketball court, barangay health office, barangay tanod office, day care center at maging memorial chapel upang maging “one-stop shop” para sa mga residente. Matatagpuan rin dito ang TB DOTS center ng Department of Health at Police Community Precinct 3 station.
Sinabi ni Dela Cruz na libre para sa mga residente ng Longos na magamit ang memorial chapel para sa mga mamamatayan na walang mapagburulan ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa liit ng espasyo ng mga bahay.
- Latest