^

Metro

Pagkatakas ng suspek sa Grab driver slay, palaisipan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Palaisipan ngayon sa pamunuan ng Lawyers  for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pagkakatakas mula sa selda sa Pasay City jail  ng suspek sa pagpaslang sa Grab driver na si Gerardo Maquidato kamakailan.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, LCSP founding president, paano nakatakas ang suspek na si Narc “Nicolo” Delemios sa kabila ng mahigpit na pagbabantay sa mga bilanggo ng Pasay jail. 

“Hanggang ngayon walang hustisyang nakakamit ang mga naiwang mahal sa buhay ng Grab driver habang malaya ang pumatay sa labas ng kulungang kanyang natakasan ng ganun-ganun na lang. Bakit nasa stockroom si Delemios? Bakit wala siya sa kulungan kasama ng ibang nakakulong?

Marami pang katanungan ang dapat sagutin ng pamunuan ng Pasay City jail,” pahayag ni Inton.

Anya, misteryoso ang pagtakas ng umanong suspek noong August 14, 2018 na nahaharap sa kasong pagpatay.

Kaugnay nito, nananawagan si Inton at pamilya ni Maquidato sa publiko na ipagbi­gay-alam sa LCSP ang nalalaman sa naging daan ng pagkakatakas ni Delemios sa Pasay jail at kung nasaan ito ngayon.

Ang Grab driver na si Maquidato ay minsan nang na-viral sa social media nang tulungan nito ang isa niyang pasahero na may sakit. 

Ang suspek na si Delemios ay sinasabing nakatakas sa Pasay city jail nang makara­ting ng stockroom dito at saka tinuklap  ang dingding ng kulungan  na gawa sa plywood at mula doon ay pumasok siya papunta sa bubungan na may nakaharang na maliliit na bakal na may takip din na plywood at dito siya dumaan para tumakas.

COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with