QC shootout: 3 karnaper utas
MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng ‘carnapping syndicate’ ang napatay nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District Anti-Carnapping (ANCAR) na tumutugis sa mga ito ma-tapos na hindi huminto sa checkpoint sa Payatas Road sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspect.
Ayon sa ulat, kasaluku-yang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang ANCAR operatives sa inilatag na checkpoints nang parahin ang mga suspect na lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng Group 5 sa panulukan ng Payatas Road, Brgy. Payatas, Quezon City bandang alas-12:30 ng madaling araw.
Gayunman sa halip na huminto ay humarurot at binang- ga pa ng mga suspect ang signage sa checkpoint kaya hinabol sila ng mga operatiba.
Ayon kay Esquivel, nang malapit ng maabutan ay nagpaputok ng baril ang mga suspek kaya napilitan ang mga operatiba na gumanti ng putok na nagresulta sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.
Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang dalawang cal 38 revolver na walang serial number, mga bala ng nasabing armas, isang Mag- num cal 38 na may tatlong bala, limang mga basyo ng bala, at dalawang motorsiklo.
Bago ito, ayon sa opisyal ay puwersahang tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ni Marvin Bolo, 32, matapos itong tutukan ng baril sa Matapang cor Malakas St., Brgy. Central ng lungsod bandang alas-11 ng gabi nitong Huwebes.
Agad namang inireport ng biktima ang insidente sa pulisya bunsod upang alertuhin ng QCPD ang lahat ng mga units nito hanggang sa maispatan ang mga suspect na daraan sa checkpoint.
Positibo namang kinilala ni Bolo ang isa sa mga narekober na motorsiklo sa mga napatay na suspek na pag-aari niya na kinarnap ng mga ito.
- Latest