^

Metro

13 katao huli sa ‘drug den’ sa Marikina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
13 katao huli sa �drug den� sa Marikina
Batay sa ulat ng Marikina City Police, nabatid na dakong alas-10:50 ng gabi nang maglunsad ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), na pinangungunahan ni P/Senior Insp. Greco Gonzales, ng drug bust operation laban sa isa sa mga suspect na si Andres Manlutac, 50, sa Kaolin Street, Twin River Subdivision sa Brgy. Parang.
File Photo

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng Marikina City police ang isang sinasabing ‘drug den’ na nagresulta ng pagkakadakip ng 13-katao na umano’y ‘bumabatak’ ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Parang, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, nabatid na  dakong alas-10:50 ng gabi nang maglunsad ang mga tauhan ng  Station Drug Enforcement Unit (SDEU), na pinangungunahan ni P/Senior Insp. Greco Gonzales, ng drug bust operation laban sa isa sa mga suspect na si Andres  Manlutac, 50, sa  Kaolin Street, Twin River Subdivision sa Brgy. Parang.

Isinagawa ang operasyon makaraang makatanggap ng ulat ang pulisya na ginagamit na ‘drug den’ ang bahay ni Manlutac. Nang makumpirma ang reklamo ay isinagawa ang pagsalakay.

Ayon kay Supt. Quesada, aktong gumagamit ng shabu ang 12 pang naaresto sa loob ng bahay ni Manlutac noong isagawa nila ang pagsalakay.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang 12 pakete ng pinaghihinalaang shabu, P500 na buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of  2002 ang mga naarestong suspek.

vuukle comment

MARIKINA CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with