^

Metro

P6.7 B pekeng mga produkto, winasak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P6.7 B pekeng mga produkto, winasak
Ang mga peke at pirated na produkto ay na­kum­piska ng mga law enforcement agencies, kabilang sa National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) na pinangunahan ng Intellectual property Rights Office of the Philippines (IPOPHIL) sa unang limang buwan ng taon.

MANILA, Philippines — Winasak ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) National Bureau of Investigation (NBI)  at iba pang ahensiya ng gob-yerno ang may P6.7 bilyon halaga ng mga pekeng produkto kahapon sa Camp Crame.

Ang mga peke at pirated na produkto ay na­kum­piska ng mga law enforcement agencies, kabilang sa National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) na pinangunahan ng Intellectual property Rights Office of the Philippines (IPOPHIL) sa unang limang buwan ng taon.

Sinabi ni IPOPHIL Director General Josephine San­tiago, ang halaga ng kanilang mga nakum-piskang produkto mula Enero hanggang Mayo ng taong ito ay katumbas ng 80 porsyento ng kabuuang nasamsam nilang kontrabando noong nakaraang taon na P8.2 Billion.

Madadagdagan pa umano ito kapag nakuha na nila ang complete reports ng mga nakumpiska ng Bureau of Customs, Food and Drug Administration at Optical Media Board.

Pinakamalaking bilang ng mga nakumpiskang produkto ang 6.3 bilyong pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo at cigarette-making machines, na nakumpiska ng PNP at NBI.

Kasama rin sa mga nakumpiska ang 151 mil­yong pisong halaga ng mga pekeng designer bags, at 103 milyong pisong halaga ng pirated DVD’s.

FAKE PRODUCTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with