^

Metro

Supplier ng marijuana, timbog

Pilipino Star Ngayon
Supplier ng marijuana, timbog
Ang may 180 sachet ng marijuana na nakumpiska sa isang dalaga sa Taguig na nagbabagsak at nagbebenta sa mga mag-aaral sa isang paaralan sa Taguig matapos na iprisinta sa media kahapon nina SPD director Thomas Apolinario at Taguig City Chief of Police Senior Supt. Alexander Santos.
(Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines — Isang negosyante na pinaghihinalaang supplier ng marijuana ng mga kabataang estudyante ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 at Pasig City Police sa follow-up operation sa lungsod  ng Pasig nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Alfred Corpus, kinilala  ang mga nasakoteng suspect na si Jayson Proda, 24, negosyante, ng Brgy. Bambang, Pasig City.

Bandang alas-2:05 ng madaling araw ng masakote ng DEU operatives ng QCPD Station 7 at Pasig City Police si Proda sa followup operation sa Villa Alfonso, C. Victorino Street, Villa Alfonso, Brgy. Bambang ng lungsod.

Ayon sa opisyal, mga estudyante ang parukyano ng suspect na notoryus na ‘tulak’ ng droga.

Nabatid na aabot sa P40,000 ang nabiling droga ng mga poseur buyer mula sa target na suspect.

Nabatid na ang suspect ang itinurong supplier ng marijuana at kush ng dalawang estudyante na una nang nasakote sa isinagawang buy bust operation sa Cubao, Quezon City kamakalawa ng gabi. Nakumpiska mula sa estudyanteng si Michael Dantic at kasamahan nitong 17 anyos.

vuukle comment

DRUG ENFORCEMENT UNIT

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with