368 pamilya nasunugan sa Maynila
MANILA, Philippines — Mahigit sa libong indibi-dwal o nasa 368 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na umabot sa halos walong oras sa Sampaloc, Maynila.
Nabatid sa ulat na ipinada-la ng Bureau of Fire Protection kay Supt. Erwin Margarejo, hepe ng Public Information Office, nagsimula ang nasa-bing sunog nitong nakalipas na Linggo sa 3-palapag na bahay na matatagpuan sa Geronimo St., Sampaloc, Maynila, sakop ng Barangay 432, Zone 49.
Ala-1:40 ng madaling araw na kahapon nang ideklarang fire-out ni Fire Senior Inspector Hector Agaduli.
Nabatid na dahil sa na-ging relocation area ang Moises Salvador Elementary School, pansamantalang nakansela ang klase doon. Umabot kasi ng halos isang libo ang nanunuluyan sa paaralan habang ang iba ay nasa gilid ng mga bahay na nasunog nagtayo ng kani-kanilang mga pansamantalang tuluyan.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing sunog at kinukumpirma ang napaulat na nagsimula sa bahay ng isang Elpidia Feliciano ang apoy dahil sa napabayaang sinaing ng okupanteng pamilya ni Bryan Sevillano.
Wala namang nasawi o nasugatan sa pagkasunog ng nasa mahigit-kumulang na 60 bahay.
Inaasikaso na ng mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ayuda sa mga apektadong residente.
- Latest