^

Metro

Seguridad ng Ramadan, pinatitiyak sa MPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Seguridad ng Ramadan,  pinatitiyak sa MPD
Sa pagsisimula ng Ramadan kahapon, daan-da­ang mga kapatid na Muslim ang nagsagawa ng kanilang mga pa-nalangin sa Golden Mosque sa Quiapo, Manila.
(Kuha ni Ernie Peñaredondo)

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula kahapon ng Ramadan, inatasan ni Manila Mayor Joseph Estrada si Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel na tiyakin ang seguridad nito.

Ayon kay Estrada, kailangan na respetuhin ang paniniwala ng mga Muslim kaya’t kinakailangan din na masiguro na walang gulong  mangyayari sa isang buwang pag-aayuno ng mga ito.

Sinabi naman ni  Coronel, nananatili pa  sa full alert ang buong pwersa ng Philippine National Police dahil ang panahon ng eleksyon ay tatagal pa hanggang May 21.

Dahil dito, mabigat pa rin ang deployment ng mga pulis sa lungsod at nakalatag pa rin ang mga checkpoint sa buong Maynila.

Mahigpit umano nilang binabantayan ang Quiapo kung saan naroon ang dalawang malaking mosque, pati na ang Islamic Center doon, gayundin ang Baseco sa Port Area kung saan mayroon ding dalawang mosque.

Sinabi pa ni Coronel na batay mismo sa threat assessment mula sa PNP-National Headquaters, wala silang namomonitor na actual imminent threat o aktwal na banta sa seguridad sa Metro Manila.

Pagtitiyak pa ni Coronel, mananatili ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa buong buwan ng paggunita sa Ramadan at katuwang nila rito ang Muslim community.

JOEL CORONEL

JOSEPH ESTRADA

RAMADAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with