Magpaliwanag sa pulisya, hindi sa media
Hamon ng sa mga nasa narco-list
MANILA, Philippines — Sa pulisya at hindi sa media dapat magpaliwanag ang mga barangay official sa inilantad na narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ito ang sinabi ni NCRPO Director Camilo Cascolan, kasabay nang pagsasabing inihahanda na nila ang pagto-Tokhang sa mga ito.
Sinabi pa ni Cascolan na kung hindi susuko ang mga barangay official na nasa narco-list sila mismo aniya ang gagawa ng paraan para hulihin ang mga ito.
Ang “tokhang” ay isang uri ng operasyon ng pulisya, na kinakatok ang bahay ng isang pinaghihinalaang drug personality at pagkatapos ay pagpapaliwanagin at bibigyan ng pagkakataong magbago ay papipirmahin ng waiver na sinasabing titigil na sila sa naturang iligal na gawain.
Nabatid, na nitong nakaraang Lunes ay inilabas ng PDEA ang listahan ng mga barangay official na sangkot sa droga at isinumite ito sa Department of Interior and Local Government (DILG).
- Latest