^

Metro

Disiplina, edukasyon sa mga motorista, solusyon sa trapik

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigpit na disiplina at pagbibigay edukasyon sa mga moto­rista ang dalawang elemento  para maresolbahan ang lumalalang  trapik sa Kalakhang Maynila.

Ito ang nakikitang solusyon  nina Bert Suansing, dating Land Transportation Office (LTO) Assistant secretary at ngayon ay opisyal ng Toll Regulatory Board (TRB) at ang traffic czar ng lungsod ng Parañaque na si Teoderico Barandino.

Sa isang pulong sa “Kapihan sa Makati”, sinabi ng mga ito,  na ang ugat kung bakit  lalung lumalala ang trapik sa Metro Manila ay dahil sa walang disiplina, matitigas ang ulo at pasaway na mga motorista.

Kung kaya’t panahon na aniya na dapat na kumilos upang ipatupad ang mahigpit na pagdisiplina sa mga motorista.

Bukod pa aniya rito  ay  higit na i-educate ang mga ito upang malaman nila ang kahalagahan ng mga batas trapiko at huwag maging ignorante rito.

Dahil hindi lahat aniya ng driver sa bansa ay may kaalaman sa batas trapiko kaya dapat maturuan.

Dapat aniya ay maghigpit ang gobyerno na bago magbigay ng drivers license ay dapat alam na mga driver  ang lahat ng batas trapiko bago sila bumagtas sa mga kalsada .

Bukod dito ay tinukoy din nila ang kawalan ng disiplina ng mga rider, kung kaya’t  base sa datus, kada araw aniya ay nasa 36 aksidente  ang nagaganap sa mga  kalsada na may kinalaman ang  motorsiklo.

BERT SUANSING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with