^

Metro

Faeldon kalaboso na sa Pasay City jail

Lordeth Bonilla at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Faeldon kalaboso na sa Pasay City jail

Si dating BoC Commissioner Nicanor Faeldon nang ihatid ng Senate Sgt. at Arms sa Pasay City jail kahapon. (Kuha ni Edd Gumban)
 

MANILA, Philippines — Kalaboso na sa Pasay City Jail si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon, kahapon.

Alas-12:02 kahapon ng tanghali nang dumating si Faeldon kasama ang mga tauhan ng Office of Sergeant at Arms ng Senado at ipinasok ito sa loob ng male dormitory ng Pasay City jail.

Ang dating BoC commissioner ay nakasuot ng kulay itim na t-shirt na may nakasulat na “Truth is Justice” ay  pinagkaguluhan din ng ilang preso at mga dalaw.

Nabatid na nauna nang naudlot ang paglilipat kay Faeldon sa naturang kulungan kamakalawa dahil sa sinasa­bing marumi at mabaho pa ang naturang selda.

Ayon kay Senior Inspector Orlando Alicante, Pasay City Jail Deputy warden, ikukulong aniya si Faeldon sa may  ikalawang palapag at may sarili itong selda na walang kasama  para na rin  sa kaligtasan ng seguridad nito.

Ayon sa pamunuan ng Pasay City Jail, wala aniyang ibibigay na special treatment sa dating BoC commissioner.

Ang pagkakakulong ni Faeldon sa Pasay City Jail ay matapos na magkasundo ang mga senador na panatilihing isailalim ito sa contempt at ipiit sa Pasay City Jail sa halip sa detention cell ng Senado.

Ang hakbangin ng mga senador laban kay Faeldon ay dahil umano  sa kanyang bastos na asal at pagmama­tigas kaugnay sa pagdinig na isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa katiwalian sa BoC at kung paano nakalusot ang iligal na  P6.4 bilyong shabu sa natu­rang ahensiya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with