^

Metro

Maximum tolerance ipatutupad ng MPD vs labor groups na magra-rally

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tiniyak ni  Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel na  ipatutupad nila ang maximum tolerance  sa iba’t ibang mga labor groups at non-government organizations na magsasagawa ng rally ngayong Labor Day.

Ang pahayag ni Coronel ay bunsod na rin ng inaasa­hang pagdagsa at sabay-sabay na rally ng mga cause orien­ted groups upang ihayag ang kanilang mga karaingan at hiling  sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Coronel na ang lahat naman ay pinapayagan namang magsagawa ng rally sa pangako na walang anumang  karahasan o gulo na gagawin ang mga labor groups.

Binigyan diin ni Coronel na hindi na nila hahayaan pang maulit ang madugong pagtatagpo ng mga pulis at raliyista. Aniya­, hangga’t kaya ng mga pulis na tiisin ang pagpasen­siyahan ang mga raliyista kanila itong gagawin.

Dahil dito, umapela si Coronel sa mga raliyista na huwag naman ubusin ang pasensiya ng mga pulis dahil nais lamang ng mga ito na panatilihin na maayos ang rally at walang anumang pambabastos mula sa hanay ng mga rali­yista.

Tiniyak din ni Coronel na mananagot naman ang kanyang mga tauhan sakaling magkaroon ng pang-aabuso sa mga raliyista.

JOEL CORONEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with