^

Metro

PNP colonel na nahuling nagsa-shabu, ‘nabubuwang’ na!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dumaranas umano ng psy­chosis, isang seryosong mental disorder o ‘nabubuwang’ na sanhi ng sobrang ‘drug abuse’ si Supt. Lito Cabamongan, ang nasibak na Muntinlupa Crime Laboratory Chief na nahuli sa pot session sa Las Piñas City noong nakalipas na linggo.

Ito ang nabatid kahapon kay Chief Supt. Aurelio Trampe, director ng PNP Crime Laboratory base sa resulta ng pagsusuri kay Ca­bamongan.

“His neuropsychiatric test results showed that he has psychosis secondary to drug abuse”, pahayag ni Trampe.

Una nang lumitaw na po­sitibo sa inisyal na drug test si Cabamongan na isinalang naman sa confirmatory test at kapag napatunayang guma­gamit talaga ito ng droga ay isasalang na sa summary dismissal proceedings.

“He’s psychologically unfit, technically wala na siyang kawala”, ani Trampe na sinabi pang kabilang ito sa mga pangunahing rekisitos ng mga opisyal at tauhan ng PNP.

Nakatakda namang ipa­labas sa mga susunod na araw ang resulta ng confirmatory drug testing laban kay Cabamongan.

Sinabi ng opisyal na kapag napatunayang positibo sa confirmatory test si Caba­mongan ay kaagad nilang isusumite sa PNP-Internal Affairs Service ang kanilang report at rekomendasyon para maisalang na ito sa summary dismissal.

Samantalang bukod dito ay may kasong sexual harassment si Cabamongan na isinampa ng isa nitong babaeng kasamahan sa Muntinlupa. Bukod pa sa panggu­gulo nito sa isang mall dahilan sa nais nitong manood ng sine ng libre.

Nabatid pa na may mga pagkakataon din itong naki­kitang hubo’t-hubad na nag­­sasayaw sa ilang pampubli­kong lugar sa Alabang, Mun­tinlupa City.

MENTAL DISORDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with