70 kilo ng botcha, nasamsam
MANILA, Philippines - Nakasamsam ang mga elemento ng Quezon City Veterinary Office ng may 70 kilo ng botcha o bulok na karne ng baboy sa mga pamilihan sa barangay Sto. Domingo sa lugsod, kahapon.
Bunga nito, pinaalalahanan ni City Veterinarian Dra. Anna Marie Cabel ang publiko na maging mapanuri at kilatising mabuti ang bibilhing karne tulad ng baboy, manok, baka at iba pa upang makaiwas sa peligro ang kalusugan.
Sinabi ni Cabel na dahil sa mainit na panahon, maraming mga hayupan ang napipinsala na kalimitan ay nangangamatay ang mga alagang hayop at upang mapakinabangan pa ng mga mapagsamantalang negosyante ay naibebenta pa ito sa mga palengke tulad ng botcha.
Sa ngayon ay kumakalat ang mga botcha o double dead na mga karne ng baboy sa lungsod.
Makikitang hindi aprubadong kainin at hindi ligtas sa kalusugan ang mga karne na walang sertipikasyon ng pagkasuri ng National Meat Inspection Commission.
Hiling ni Cabel sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanyang tanggapan ang nakikitang mga magtitinda ng bocthang karne upang makumpiska at maparusahan ang may-ari nito.
- Latest