Parusa, multa sa smoking ban violators, mas pinabigat
MANILA, Philippines - Mas mabigat na parusa at penalty ang kakaharapin ng mga smoking ban violators sa Maynila.
Dahil hindi umano sapat ang ipinatutupad na P500 na multa at dalawang araw na pagkakakulong.
Ito ang inihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada kasabay nang pagsasabing hindi umano sapat ang ipinatutupad na P500 na multa at dalawang araw na pagkakulong sa mga lalabag sa anti-smoking ordinance ng lungsod.
“We will increase the fine up to P1,000, or P2,000 up to P3,000 with impri-sonment. May kasamang imprisonment from one day up to 10 days,” babala ni Estrada.
Ayon kay Estrada, pinamamadali na niya sa Sangguniang Panglungsod ang pagpasa ng Draft Ordinance No. 7812 na magtatakda ng mas mataas na multa sa mga lalabag sa smoking ban o sa indibiduwal na hindi mapigilang manigarilyo sa mga pinagbabawal na lugar.
Pinagbabawal ng nasabing ordinansa ang paninigarilyo sa mga ospital, paaralan, public buildings, shopping malls, at iba pa, maging sa mga pampublikong sasakyan, sa lungsod.
Sa city hall, sa mga gates na lang ng Arroceros, Taft Avenue at Freedom Triangle maaaring manigarilyo.
- Latest