^

Metro

100 replica ng Itim na Nazareno, prinusisyon

OH YES, IT'S JOHNNY! - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging mapayapa ang prusisyon ng mga replica ng Itim na  Nazareno kahapon .

Dinagsa rin ito ng mga deboto at karamihan ay nagmula sa kani-kaniyang grupo mula sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at lalawigan, na pawang may mga dalang replica ng Black Nazarene at karosa , kabilang din ang iba pang imahe  ng Santo, na sakay sa karosa na napapaligiran ng mga bulaklak na mahigit kumulang sa 100 na nakapila sa Quezon Bridge.

Naging siksikan din sa haba ng pila ang  pahalik sa loob ng Minor Basilica Church, na normal namang ginagawa anumang araw sa nasabing simbahan.

Nakaantabay naman ang mga pulis, bumbero, first aid at medical teams sa palibot ng simbahan.

Nabatid na pasado alas -2:00 ng hapon nang magsimula ang prusisyon sa pangunguna ng main replica ng Black Nazarene mula sa Minor Basilica sa Plaza Miranda.

Samantala, nabatid na nagsagawa ng clea­ring operations kahapon ng umaga sa mga daraanan ng ruta at na­nguna sa inspeksiyon sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde at   Manila Police District (MPD) Director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel.

vuukle comment

ITIM NA NAZARENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with